Kaso ng ABS-CBN laban sa AGB Nielsen, ibinasura ng korte
Advertisements
Sa araw na ito, January 07, 2008 lumabas agad ang kuryenteng balita na ibinasura ng Quezon City Regional Trial Court (QCRTC) ang 63-million civil case na inihain ng ABS-CBN Broadcasting Corp. laban sa research firm na AGB Nielsen noong December 14, 2007.Ayon pa sa balita, na-dismiss ni Judge Charito Gonzales ng QCRTC Branch 80 ang kaso sa kadahilanang "prematurely filed" daw ito.
Ani Gonzalez, "For failure of the ABS-CBN to comply with the condition precedent to the filing of the instant complaint, this Court has to regrettably, dismiss the instant case for being prematurely filed,"
“ABS-CBN’s resort to court is premature. Yielding to ABS-CBN’s contention will violate the principle of mutuality of contracts ordained in Article 1308 of the Civil Code, for Article 1196 of the same law states 'Whether in an obligation a period is designated, it is presumed to have been established for its benefit of both creditor and debtor,'"
Nag-issue naman ang QCRTC Branch 92 ng summon sa pamunuan ng ABS-CBN at iba pang kaugnay, na sagutin ang 15-million libel suit na isinampa ng GMA Network noong January 03, 2008.
Kaagad namang nagpiyesta ang ilan, partikular ang ilang mga Kapuso, sa nasabing pagbasura ng kaso at kalat na kalat na ito sa mga forums na may matching "Breaking News" pa, na kung iisipin ay kaso ito ng ABS-CBN laban sa AGN Nielsen at hindi sa GMA.
Hudyat kaya ito na magiging matagumpay ang kaso ng GMA laban sa ABS-CBN?
Ano kaya ang magiging statement ng ABS-CBN sa bagong kaganapan na ito? 'Yan ang dapat nating abangan sa TV Patrol World mamaya.
ang masasabi ko lang, nasa GMA ang huling halakhak. bwahahahaha
ReplyDelete