Joey de Leon, parang bata

Advertisements
Aminado si Joey de Leon na parang bata siya kung magalit.

Ito'y kaugnay sa nailathalang article sa isang tabloid na diumano'y flop ang US show ng longest running noontime show sa Pilipinas, ang Eat Bulaga.

Sa Startalk kahapon, galit na galit ang batikang host sa entertainment writer and editor na si Dindo Bellares ng Balita, na sister publication ng Manila Bulletin na kung saan ay columnist si Joey De Leon.

Kung babasahin mo ang article ni Bellares, safe naman niya itong naisulat.

With a question mark ang title ng kanyang article na animo'y hindi nga siya sigurado sa kanyang nakalap na impormasyon.

Isinulat niya rin na nagsimula diumano sa internet ang balitang flop ang show ng Eat Bulaga sa Los Angeles, California.

Ang hindi lang nagustuhan ni Joey ay ang linyang, ‘Sa katunayan, nakausap ko ang isang GMA-7 executive at kinumpirma ang pagka-flop ng Eat Bulaga!.

Dahil dito, hinamon niya ang writer na sabihin ang pangalan ng tinutukoy nitong GMA executive.

Three days ago, nag-resign na si Joey bilang columnist ng Manila Bulletin dahil lamang sa isyung ito.

Hinamon niya rin ang GMA 7 na kapag inimibita raw nito si Dindo sa mga presscon ay magri-resign din siya sa kanyang mga show maliban sa Eat Bulaga, dahil produced ito ng TAPE, Inc.

Bukod sa Eat Bulaga, si Joey ay regular na napapanood sa Mel & Joey, Startalk, Nuts Entertainment at Takeshi's Castle.

Ang nasabing US show ng Eat Bulaga ay naipalabas na rin sa TV kahapon.

Kung ako ang tatanungin, hindi naman masasabing flop ang naturang show.

Nagkakaroon lamang ng "flop" issue dahil sa pagkukumpara nito sa kalabang programa na nagkaroon din ng show sa US last month.

Ang Wowowee ay nagtanghal sa New Jersey last July 14.

Base sa napanood ko sa TV, masasabi kong mas loud at mas masaya ang audience ng Wowowee samantalang mas behave naman at hindi participative ang mga nakapanood ng Eat Bulaga.

About M.I.

Mykiru is an entertainment blogger, having been named as one of the Top 10 Pinoy Showbiz Resources in the Philippines. For a decade now, Mykiru.ph has been delivering the latest, the hottest and most trending issues in the country.
Comments

0 Comment(s):

Post a Comment