PNoy's SONA 2010: Highlights and Sidelights

Advertisements
Live Blogging the State of the Nation Address or the SONA for 2010 by President Noynoy Aquino (PNOY) happening today, July 26, 2010, at the Batasan Pambansa:

SOME HIGHLIGHTS of PNOY's SONA:

*Matagal na naligaw ang pamahalaan sa daang baluktot

*For the first 6 months of 2010, mas malaki ang ginastos na pera ng nakaraang Administration kaysa sa pumasok na pera. Umabot na sa 196.7 billion pesos ang deficit.

*P1.54 trillion ang budget for 2010 pero 100 billion na lang ang natira for the last 6 months ng taon

*Calamity fund ay 2B pesos, pero 1.4B na ang nagastos.

*Out of 108M na fund para sa Pampanga province, 105M ay napunta sa isang distrito lamang ng Pampanga. At ibinigay ito noong May, buwan ng eleksyon

*MWSS officials, mas inunang bigyan ng gantimpala ang mga sarili kaysa bigyan ng pensyon ang mga retiradong empleyado

*DPWH, humingi ng pondo para sa 246 na projects pero 28 lang ang napondohan

*Ang pera ng taumbayan ipinagpalit sa naluluging operasyon (tungkol sa pag-utos sa Landbank at DBP na bilhin ang MRT)

*Sa bagong administrasyon, walang kota-kota at tongpats. Ititigil ang paglustay sa pera ng taumbayan pati na ang pagpapatupad ng mga proyektong mali.

*Sobra-sobrang bigas ang binibili ng NFA at hinahayaan lang na mabulok ang mga ito sa kabila ng halos 40milyong naghihirap at nagugutom

*Pananagutin ang mga mamamatay tao at corrupt. Binuo na ang Truth Commission na pamumunuan ni Hilario Davide

*Mas padadaliin ang proseso sa pagbubukas ng negosyo

*Ang basic education system ay papalawigin. From 10 years, magiging 12 years na.

*Isusulong ang fiscal responsibility bill

*Hindi papayag na magkaroon ng isa pang NBN-ZTE deal

*Isusulong ang National Household Targeting System, para sa 5M na pinakamahirap na pamilya

*Palalakasin ang Witness Protection Program at isusulong ang Whistleblowers Bill

*Handang makipag-usap sa CPP-NPA-NDF para sa kapayapaan

*He encouraged the Filipinos to continue dreaming. "Pwede na uli tayong mangarap. Tayo nang tumungo sa katuparan ng ating mga pangarap."


SIDELIGHTS:

*Semi-kalbo na si PNoy which is good 'coz it's no longer obvious na nakakalbo na sya

*At one point, halos lahat ay pumapalakpak kay PNoy pero si Cong. Manny Pacquiao at mga katabi nya ay nahuli ng camera na hindi pumapalakpak. Bagong gupit din si Pacman.

*Pero sa totoo lang...Pinalakpakan si PNoy ng maraming beses pero kapansin-pansing marami din talaga ang hindi pumalakpak sa Batasan kanina, at hinihinalang mga kaalyado sila ni GMA

*It's official! Si Cong. Lucy Torres-Gomez ang pinakamaganda sa kongreso

*Ang SONA 2010 ni PNoy ay umabot ng 39 minutes

*After the SONA, si ABS-CBN news anchor / reporter Ces Drilon ay inisnab ni ex-President Erap Estrada for an interview sana. Mukhang galit, tinabig nito ang microphone at lumayo, as in nag-walk out na. But before that, he was heard talking to some reporters and said that he is willing to help PNoy in his programs.

*Kabaligtaran naman for ex-Pres. Fidel V. Ramos na magiliw at very nice na nagpa-interview kay Ces at bumati pa ng "How are you?"

About M.I.

Mykiru is an entertainment blogger, having been named as one of the Top 10 Pinoy Showbiz Resources in the Philippines. For a decade now, Mykiru.ph has been delivering the latest, the hottest and most trending issues in the country.
Comments

0 Comment(s):

Post a Comment